Magandang araw po. Marami akong nakakausap na gustong
magtrabaho sa ibang bansa. Halos lahat ay pare-pareho ang mga katanungan gaya
ng:
-
Saan ba malalaman kung legal o
may lisensya ang isang agency?
-
Magkano ang placement fee?
-
Anu-ano ang mga fees &
costs na dapat bayaran ng worker?
Ang blog na ito ay naglalayong makapagbigay
ng karagdagang inpormasyon at linaw sa ating mga kababayan patungkol sa ilang bagay bagay para makapagtrabaho ng LEGAL sa ibang bansa sa pamamagitan ng Recruitment Agency.
TANONG: Paano malalaman kung may lisensya ang
isang recruitment agency?
|
SAGOT: Malalaman ito sa POEA o Philippine Overseas Employment Administration
Address: Blas F. Ople Building Ortigas Avenue corner EDSA Mandaluyong
City
Tel
#: 722-1144 / 722-1155
TANONG: Anu-ano ang mga FEES and COSTS na
dapat bayaran ng isang overseas
Filipino workers?
|
SAGOT: Ang
OFW ang magbabayad ng mga sumusunod:
a. Documentation costs:
1. Passport;
2. NBI/Police/Barangay Clearance;
3. NSO authenticated birth
certificate;
4. Transcript of Records and
diploma issued by the school, certified by the CHED
and authenticated by the
DFA;
5. Professional license issued by
the PRC, authenticated by the DFA;
6. Certificate of Competency
issued by TESDA or other competent certifying
body for the job applied for; and
7. DOH prescribed medical/health
examination, based on the host country medical
protocol.
b.
Membership with Philhealth,
Pag-Ibig and the Social Security System.
TANONG:
Kailan at Magkano ang PLACEMENT FEE na dapat bayaran ng isang overseas
Filipino workers?
|
SAGOT: Ang placement fee na dapat bayaran ng
isang OFW ay katumbas ng isang (1)
buwang basic salary na nakalagay sa approved contract.
Ang
mga walang placemet fee ay ang mga sumusunod:
a. Domestic workers; and
b. Workers na idedeploy sa mga
bansang may sistema, batas o polisiya na hindi pinapayagan ang pangungulekta o
paniningil ng placement fee sa mga OFW.
Tandaan:
-
Ang worker ay pwede lang
magbayad ng placement fee sa licensed recruitment agency matapos nitong mapirmahan ang
POEA approved contract.
-
Huwag kalimutang humingi ng
resibo na registrado sa BIR. Dapat nakasaad ang date of payment at halagang binayaran.
TANONG: Sino ang magbabayad ng compulsory insurance coverage?
|
SAGOT: Ang licensed recruitment agency ang
magbabayad ng premium para sa
compulsory insurance coverage
ng isang OFW.
TANONG: Anu-ano ang mga FEES at COSTS na Employer/Principal ang sasagot?
|
SAGOT: Ang costs ng recruitment at placement
ay responsibilidad ng Employer/Pricipal na
ang mga nakapaloob dito ay ang mga
sumusunod:
a. Visa, kasama yung stamping fee;
b. Work permit at residence
permit;
c. Round trip airfare;
d. Transportation mula sa airport
haggang jobsite;
e.
POEA processing fee;
f. OWWA membership fee; at
g. Additional trade test/assessment kung irequire ng principal/employer
Ito po ang pinagkuhaan ko ng mga inpormasyong nasa itaas:
(POEA Rules and Regulations - RULE V - SECTION 50-53, p16-17)
Maraming salamat po. Kung mayroon po kayong mensahe maaari po kayong magcomment sa ibaba.